'Di naman daw kawalan, Bela… HIRIT NI NADINE: PAGOD NA AKO KAYA UMATRAS KAY AGA
- BULGAR

- Jul 31, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

NAGPALIWANAG naman si Nadine Lustre kung bakit siya umatras sa Metro Manila Film Festival entry na Miracle in Cell No. 7, kung saan gaganap sana siyang anak ng magaling na aktor na si Aga Muhlach.
“Pang-third movie ko na po kasi this year ‘yun if ever, so I really felt that I needed a break,” pahayag ng aktres.
Ayon sa FAMAS Best Actress, dalawang magkasunod na pelikula na ngayong taon ang ginawa niya kaya humingi muna siya ng pahinga mula sa Viva Films.
“Kasi medyo nabe-burnout na rin po ako kasi naka-dalawang pelikula na ako this year. Mahirap din po na gumawa ng pelikuka kasi other than shooting, meron pang promotions. So, since it’s an MMFF film, parang naisip ko na baka maging masyadong hectic ‘yung schedule, mahihirapan din po ako na, at the end of the day, ayaw ko naman pong parang umayaw, dahil pagod ako at burnout ako,” ani Nadine.
Aminado rin si Nadine na may panghihinayang siyang nararamdaman ngayong umatras siyang gawin ang pelikula.
Aniya, “It’s a good project, good material. Kaya lang po kasi, sa akin, mas importante para sa akin ‘yung sarili ko kasi I’m not rushing naman po, eh, hindi naman po ako nagmamadali. Yes, I mean it’s a good project but to say na wala nang darating na magandang project in the future... para sa akin, uunahin ko lang ‘yung sarili ko and health ko.”
Sa kabila nito, aprubado ng Viva ang naging pag-atras ni Nadine sa MMFF movie.
“They completely understand, even sa Viva, when I told them about it na parang gusto ko pong magpahinga. Kasi sobrang exhausting naman po ng dalawang magkasunod na movies and promo pa, and naiintindihan naman nila. And they understand kung gaano naging ka-hectic ang schedule ko for the past few months. Ever since nag-start ‘yung year, sunud-sunod na po ako, so they felt that I needed a break din po,” aniya.
Masaya rin daw si Nadine na si Bela Padilla ang pumalit sa kanya sa MMFF entry.
“I’m really happy kasi Bela [Padilla] is a good actress, she’s also a good writer and she takes what she does seriously and she loves it and it shows naman po. Okay naman po, I’m happy that it’s Bela,” pahayag ng aktres.





Comments