top of page
TEKA NGA - SEN. ROBIN, NANINIWALANG ‘DI NA KAILANGAN NI DANIEL NG KA-LOVE TEAM-IG _robinpa

BUWELTANG GINEBRA, BROWNLEE SA GAME 4

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 31, 2019
  • 2 min read

NAKAHIRIT ng Game 4 ang Barangay Gin Kings matapos nilang pagpagin ang TNT KaTropa, 80-72 sa PBA Commissioner's Cup semifinals kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagtala si import Justin Brownlee ng 14 points, 11 rebounds at 8 assists upang maka-isang panalo ang Gin Kings sa kanilang best-of-five series. Lumabas agad ang bangis ng Gin Kings, nilagok agad nila ang seven-point lead, 21-14 sa pagtatapos ng first canto. Nanatili ang mainit na laro ng crowd favorite Ginebra sa second canto, lumobo sa 10 ang kanilang bentahe, 42-32 sa halftime. Biglang uminit ang KaTropa sa third kaya naitabla nila sa 57-all papasok ng fourth quarter.

Samantala, hindi makapaniwala si San Miguel Beer head coach Leo Austria sa kanilang panalo noong Lunes ng gabi. Lubog sila ng 29 puntos pero sandali lang nila itong hinahabol at nang makalamang sa kaagahan ng third canto ay hindi na ito binitawan hanggang sa matapos ang laro. “It was really unbelievable. I don’t know what happened,” hayag ni San Miguel Beer head coach Leo Austria. Lamang na ang Beermen ng 2-0 sa kanilang best-of-five semifinals matapos nilang kalusin ang Rain or Shine Elasto Painters, 117-105.

Ayon kay Austria kung mananatiling maganda ang kanilang laro ay maaaring matapos sa Game 3 ang laban. “If we play our best, I think it’s hard for them to beat us,” ani Austria. Muling maghaharap ang San Miguel Beer at Rain or Shine ngayong alas-7 ng gabi sa Araneta Coliseum. Kakapitan ng Beermen sina import Chris Mccullough at locals, Chris Ross, five-time Most Valuable Player, (MVP) June Mar Fajardo at point guard Alex Cabagnot para makuha ang panalo at sumampa na sa championship round. Para sa ROS, kailangan nilang manalo upang manatiling buhay ang asam nilang sumampa sa susunod na round.

Samantala, lubhang ikinalungkot ng Phoenix Pulse Fuel Masters kahapon ang diumano’y alegasyong kinakaharap laban kay Calvin Abueva ng kanyang dating misis nitong nakaraang weekend. “The Phoenix Pulse Fuel Masters are deeply saddened by the recent allegations about the behavior of suspended player Calvin Abueva,” saad ng team sa kanilang statement. “Claims of domestic violence and neglect have no place in our team, and are seriously considered and mulled over by the company,” dagdag nito.

Noong Sabado ng gabi, nagpahayag ng ilang kuwento sa kanyang Instagram ang misis ni Abueva na si Sam na siya raw ay pisikal na inaabuso ng PBA player dahilan para siya ay maospital.

Pinabulaanan naman ni Abueva ang mga bintang ni Sam sa kanyang sariling Instagram at sinasabing nagsisinungaling ang babae. Sinabi naman ng Phoenix na naghihintay na lamang sila ng “ full and appropriate legal procedure” hingil sa alegasyon ni Sam bago nila mapag-aralan ang sitwasyon at magdesisyon para sa team hinggil sa kinakaharap na problema ni Abueva. (ATD/MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page