Aprub naman daw sa 2 anak… KRIS, PUMAYAG NANG MAGPAKAMA KAY DEREK

Nitz Miralles / BIDA

MAY love scene sina Kris Aquino at Derek Ramsay sa MMFF entry ng Quantum Films na (K)Ampon at pumayag na ang aktres na gawin ang eksena. Ang role niya sa movie ay magbubuntis at manganganak, kaya natural lang na may love scene.
Nagpaalam si Kris kina Josh at Bimb at pumayag naman ang dalawa, pero ang kapalit ay 20 games ni Bimby sa X-Box.
Nakakatuwa si Bimby dahil inalala ang endorsements ni Kris sa paggawa niya ng love scenes. Tinanong din ni Bimby si Kris kung ano ang ipapakita dahil all-bones siya dahil nga payat.
“Actually, kinabahan ako kasi pina-tone down ko ang love scene. It kind of helps na ‘yung management company that’s taking care of me, which is Cornerstone, which is also the owner of Spring Films, which is co-producing (K)Ampon, so, medyo nasabihan sila kung puwedeng hindi ganu’n. Kasi, the way it was written, I think, that’s not bagay for me,” sabi ni Kris.
Nasa Japan ngayon si Kris at nagpapalakas at pagbalik ng bansa, sisimulan na ang shooting ng (K)Ampon sa direction ni King Palisoc.





Comments