top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Utol, sobrang inlab… ARJO, BINALAAN NI RIA KAY MAINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 30, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

NAGING usap-usapan noon ang pagi­ging close nina JM de Guzman at Ria Atayde at inamin ng aktres na magkai­bigan lang silang dalawa at hindi ito nanliligaw sa kanya.

Ani Ria, “I don’t go out. That’s a thing.

“My life... sabi ko nga sa barkada ko, how am I gonna be... paano ako maliligawan, I don’t go out!

“As in sa bahay lang talaga ako, or I travel,” natatawang pahayag pa ng aktres.

Kung sa bahay siya naglalagi, at pa-travel-travel with her best friend, hindi siya nakakapag-bonding with Maine Mendoza?

Ay, hindi po! I travel a lot!” mabilis na tugon ni Ria.

Hindi rin nag-alinlangan si Ria nang sabihin niyang na-meet na ng buong pamilya nila si Maine, ang karelasyon ng kapatid niyang si Arjo Atayde.

“Ahh, yeah, I think everybody knows naman po she had dinner with the family, ‘di ba?” lahad pa ni Ria.

Kuwento rin niya, pare-pareho silang busy kaya hindi sila nagkikita-kita para mapag-usapan ang buhay-buhay nila.

“I have not seen my mom [Sylvia Sanchez] in two weeks. I have not seen Arjo in like a week.

“But si Arjo kasi, he showers in my room. Kasi, sira ‘yung heater ng room niya.

“Doon lang kami nagkikita ‘pag mali­ligo siya.

“Kanina, noong nag-ready ako, saka lang ho kami nagkita.”

May advice si Ria sa kan­yang kapatid sa relasyon nito ngayon with Maine.

Aniya, “I just always remind them to be careful with his heart,” seryosong sabi ni Ria.

“Like, that’s exactly what I’m telling him na... you know, he has such a beautiful... my brother is something else, you know this.

“Pagdating sa mahal niya — mahal na mahal!

“So, I keep telling him, just, you know, ‘Guard your heart.’

“At the end... like, I don’t want him to be... I don’t want him to be like a one-way thing, you know.

“But, wala. Like, so far, so good. There’s nothing...”

Sa kabila nito, suportado ni Ria ang relasyon ng kapatid niya kay Maine lalo na’t very open ngayon ang dalawa na nakikitang nagde-date at lumalabas-labas.

I’m supportive in general. Even with work. Even with work! Dinadalaw ko ‘yan. Even before! My goodness! Pumupunta ako sa (taping ni Arjo)...” kuwento pa ni Ria.

Sa ngayon, mukhang masaya naman sina Maine at Arjo sa kanilang relasyon, kung saan ipino-post na rin nila ang mga litrato nilang magkasama. Hindi na rin naman sila nagtatago sa mga AlDub fans na bumabatikos sa kanila noon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page