Pag-ban sa independent at opposition candidates, pinalagan | 1,000 ralista, inaresto
MAHIGIT 1,000 ralista ang inaresto matapos magprotesta hinggil sa hindi pagkakaroon ng malaya at patas na eleksiyon.
Libu-libong Russians ang nagsagawa ng kilos-protesta nang i-ban ng mga awtoridad ang ilang independent at oposisyon sa pagtakbo sa municipal election sa Setyembre.
Ayon sa mga awtoridad, hindi pinayagang tumakbo ang mga kandidato dahil nabigo ang mga ito na makakuha ng sapat na bilang ng pirma para mailagay sa ballot paper.
Dahil dito, dumami ang kilos-protesta sa bansa ngayong buwan kabilang ang pinakamalaking demonstrasyon noong mga nakaraang taon.
Nagbabala ang mga ralista na magsasagawa ng mas malaking demonstrasyon kung saan idineklara itong iligal ng mga awtoridad.
Daan-daang riot police ang nagtaboy sa mga ralista mula sa city hall ng Moscow.
Ayon sa Moscow police, 3,500 katao ang sumali sa protesta kabilang ang 700 journalists at bloggers.





Comments