PACMAN KAY FLOYD: “PAGBIGYAN NIYA ANG FANS KUNG GUSTO NIYA!”


AMINADO si Manny Pacquiao na inuulan siya ng mga tanong kung lalabanan ba niyang na uli si Floyd Mayweather, Jr., matapos ang apat na taon na pagkatalo niya sa American noong 2015.
Nang magbangayan sila ni Mayweather sa social media nitong nakaraan, hindi na nag-aksaya ng oras si Pacman na hamunin ang mamang itim sa rematch. “Para maiwasan natin ‘yung mga question ng mga fans... Lagi kasi silang nagtatanong, baka nabibingi na siya o naiistorbo siya, pagbigyan ang boxing fans kung gusto niya,” saad ni Pacman sa kanyang pagbisita sa ABS-CBN noong Linggo.
Binigyan din si Pacman ng tribute ng network executives bilang pagbibigay-pugay sa kanyang pagkapanalo kontra wala pang talo na si Keith Thurman na kanyang dinungisan ang record. Bitin pa raw kasi ang fans, ayon kay Pacquiao, sa naging kontrobersiyal na pagkatalo niya kay Mayweather noong 2015.
Kaya naman, nananawagan siya at tiyempo ngayon ang panahon na muli silang magsagupa ng retiradong dating pound-for-pound champion ng U.S. Tinawanan din ni Pacman ang sinasabi ni Mayweather na ginagamit niya ang pangalan ng Kano para raw maging “relevant” siya. “Kasi sinasabi niya na ginagamit ko raw ang pangalan niya para sumikat ako. Eh, siya nga ang nanood ng fight ko,” ayon kay Pacquiao. “Kung gusto niya ng rematch, masasagot na rin ang mga question ng mga fans. Kung nag-aalala naman siya na ang record niya ay baka mabahiran, eh, ‘di huwag na siyang lumaban.”
Pero, wala aniyang pinakamabuti para sa boxing fans kundi ang matunghayan na ang Pacquiao-Mayweather 2. “For my part, I have no problem ‘cause I’m still active in this sport. That question is for him ‘cause he’s retired. If he needs to come back and fight again with me, that’s up to him,” aniya. “Sinabi ko na ng Ingles para maintindihan niya.” (MC)





Comments