top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Naaagnas na bangkay natagpuan

Pabs Hernandez III
Jul 30, 2019
1 min read

MOUNTAIN PROVINCE—Isang naaagnas na bangkay ng hindi kilalang lalaki ang natagpuang nakalutang kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Tocucan, Bontoc.

Dahil naaagnas na ang bangkay, hindi na maisalarawan ng mga awtoridad ang edad ng biktima.

Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa nakalutang na bangkay ng biktima sa ilog ng naturang barangay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung namatay sa pagkalunod o may naganap na foul play sa kamatayan ng biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page