Momshie problemado sa anak na 13-anyos pa lang, sinungaling na

Dear Roma,
Rosita ang pangalan ko, 45 years old. May anak ako na 13 years old na babae, tapos, nagsisinungaling na siya sa akin, kaya naiinis at nababahala ako dahil hindi ko siya tinuruang magsinungaling kahit kailan. Sa tingin ninyo, paano ko masosolusyunan ang problema kong ito? Salamat! — Rosita
Rosita,
Naku, sis, hindi nga maganda ‘yan, pero wala namang taong perpekto at lahat tayo ay nagkakasala talaga. Gayunman, ang maipapayo namin sa iyo ay kausapin mo nang maayos at mahinahon ang anak mo. Huwag mo siyang sisigawan dahil baka matakot siya na mag-open up sa iyo. Paniguradong may dahilan siya kung bakit niya nagawang magsinungaling at ‘yun ang dapat mong alamin. Gayundin, dapat mong sabihin sa anak mo na hindi tama ang pagsisinungaling kaya huwag na niya itong uulitin. Kaya mo ‘yan, sis!





Comments