Lotto winners, puwede pa ring mag-claim ng premyo
- Thea Janica Teh
- Jul 30, 2019
- 1 min read
Bulgarific
PATULOY na susundin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bilang GOCC sa ilalim ng Office of the President ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang lahat ng gaming activities hanggang sa susunod na abiso.
Ito ay nagsimula noong Sabado, July 27, 2019 kung saan ang mga Lotto at KENO terminal ay awtomatikong itinigil sa Main Data Center ng system provider.
Lubos na ipinababatid ng PCSO na ang kanilang Individual Medical Assistance Program (IMAP) services sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City at ang lahat ng branches ng PCSO offices, nationwide ay patuloy pa rin ang operasyon.
Para sa mga kababayan nating may hawak ng winning Lotto at KENO ticket, maaari pa ring makuha ang inyong premyo sa PCSO Head Office, Conservatory Building, Shaw Boulevard, Mandaluyong City mula 8:15 am hanggang 4:30 pm, Monday-Friday.
Sinusuportahan ng PCSO ang desisyon ni Pangulong Duterte sa pagpuksa sa korupsiyon at illegal gambling sa bansa. Ang mga programa ng ahensiya at aktibidad nito ay tulad ng layunin ng gobyerno sa ating mga kababayan.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments