Iligal na pasugalan ni-raid | 380 Chinese timbog sa Vietnam
- Jersey Sanchez
- Jul 30, 2019
- 1 min read
ARESTADO ang 380 Chinese dahil sa pagpapatakbo ng pinakamalaking underground gambling sa Vietnam.
Ito ay dahil ipinagbabawal sa bansa ang anumang uri ng sugal ngunit, pinayagan ang mga dayuhan na magsugal sa local casinos.
Batay sa impormasyon, nasa edad 18 hanggang 24 ang mga naaresto na nag-o-operate ng online gambling websites sa Hai Phong City.
Ayon sa Ministry of Public Security, ang nasabing gambling ring ay nanghihikayat ng Chinese gamblers na tumaya sa sports games at lotteries. Nakumpiska sa raid ang 2,000 smartphones at 530 computers.





Comments