Dehins lang para sa sipon, lodi… balat ng orange, kering panlaban sa hangover!


MASARAP ang orange, lalo na kung ito ay matamis at juicy kung saan nakatutulong ito laban sa sipon dahil sa Vitamin C. Pero, knows ba ninyo na ang balat din nito ay maraming benepisyo? Wow! Paano?
Sa pag-aaral ng mga eksperto, natuklasan nila na may silbi pa umano ang balat ng orange kung saan ito ay puwedeng gamitin para mapababa ang presyon ng dugo na noon pa ginagawa ng mga Chinese.
Gayunman, dehins lang ito nakatutulong para ma-improve ang kalusugan dahil for sure, matutuwa ang mga beshy natin diyan na madalas umiinom, pero ayaw sa hangover.
Ayon sa mga reseacher, ang balat ng orange ay epektibong panlaban sa hangover. Paano? Simple lang, mga beshy! Kumuha lang ng balat ng orange at pakuluan na may kasamang asin, pagkatapos, sa oras na kumulo na ito ay puwede na itong inumin na makapagbibigay ng cooling effect.
Dagdag pa rito, ang balat ng orange ay keri ring pampapayat dahil nagpo-form ito ng adipose tissue na nakape-prevent ng obesity, gayundin, puwede itong pampakinis ng balat at iba pa na may kinalaman sa pagpapaganda.
Samantala, kung nakararanas kayo ng depresyon o anxiety, mainam din na gumawa ng orange oil na magagamit sa pagligo o kaya ay ilagay sa noo para mabawasan ang stress ninyo.
Maliban pa rito, dahil sa non-soluble polysaccharides na matatagpuan sa balat ng orange, napagagaling din nito ang constipation, heartburn, nausea at excess acid na mayroon tayo sa tiyan.
Nakalulula na ang mga benepisyong ito, pero kulang pa ‘yan, mga beshy! He-he-he!
Kaya kung gusto ninyong masubukan ang power ng balat ng orange, huwag na kayong magdalawang-isip pa.
Be healthy always! Okay?





Comments