AMOY TANSAN NA BA SA FINAL? BEERMEN, DUMALAWA VS. ROS
- BULGAR

- Jul 30, 2019
- 2 min read

MALAKI na ang tsansa ng San Miguel Beer na sumampa sa finals matapos nilang kaldagin ang Rain or Shine Elasto Painters, 117-105 sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum. Kumayod si Chris Ross ng 34 points at walong assists para tulungan ang Beermen na ilista ang 2-0 bentahe sa kanilang best-of-five semifinals series. Umarangkada ang Elasto Painters sa first quarter, hinawakan nila ang 21-point lead, 34-13. Bumangis naman ang Beermen sa second, nilagok nila ang 38-18 para tapyasin sa tatlo ang kanilang hinahabol, 49-52 sa halftime.
Nagtuloy ang mainit na laro ng San Miguel sa third kaya naagaw nila ang lamang, 89-73 papasok ng fourth period. Samantala, may tsansa ang TNT KaTropa na walisin ang Barangay Ginebra Gin Kings sa Game 3 ngayong alas-7 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Tangan ng KaTropa ang 2-0 sa kanilang best-of-five semifinals series kaya isang hakbang na lang at sampa na sila sa championship round. “As of now, hindi naman namin iniisip na masu-sweep,” saad ni TNT point guard Jayson Castro.
Bukod kay Castro, tiyak na sasandalan ng KaTropa ang kanilang import na si Terrence Jones na kumana ng triple-double sa Game 2. Nasa delikadong sitwasyon ang Gin Kings pero hindi sila nababahala at sisikapin nilang makuha ang panalo para humaba ang kanilang buhay. “Just having that never-say-die type of attitude,” ani Gin Kings reinforcement Justin Brownlee.
“I know coach [Tim Cone] will definitely go make some adjustments now we’re down 0-2. So just come in tomorrow [in practice] and see what he got to say.” Si reigning best import Brownlee naman ang ibabangga ng Gin Kings. “We played terrible and they played great. I don’t have anything to say,” hayag ni Cone. (ATD)
Laro ngayon: (Mall of Asia Arena) 7:00 p.m. - Bgy. Ginebra vs TNT KaTropa





Comments