9 KALAHOK SA LAKAMBINI
- Ding Taboy
- Jul 30, 2019
- 2 min read

MAGLALABAN-LABAN ang siyam na kababaihang kabayo sa 2019 Philracom “Lakambini Stakes Race” na gaganapin sa Linggo sa Saddle & Clubs, Naic, Cavite.
Kabilang sa mga kalahok ang Cups In Raver, Easy Landing, Melody Amor, My Jopay, My Sheltex, Serafina, Shanghai Grey, Suberbia at Two Timer. Sa mga kalahok, dalawa ang maituturing na magkakampi bilang mag-couple entry ang Shanghai Grey at Two Timer. Tatakbo sa 1,600 ang mga kasali at may naghihintay ng P1.5-M bilang guaranteed prizes para sa apat na unang makatatawid sa finish line.
Tatanggap ng P900,000 bilang unang premyo, habang ang pangalawa ay may P337,500. Mapupunta sa pangatlo ang P187,500 at may P75,000 ang tatanggapin ng tatanghaling pang-apat. Sa mga kalahok na inaasahan na pinapaboran ang mga kabayo na My Jopay at Shanghai Grey.
Samantala, inilabas na ng Philracom ang pangalan ng mga hinete na nangunguna para sa taong 2019. Nangungunang hinete si Jockey O P Cortez, pangalawa si Jockey Jessie B. Guce, pangatlo si Jockey PM Cabalejo, sumunod si CP. Henson, Jockey J. Guce, E G. Guerra, C S Pare,Jr., Jockey J.G. Serrano, Jockey Kevin B. Abobo at Mark Alvarez.
Maglalaban ngayong gabi sa karerahan ng Metro Turf sa Malvar, Batangas ang mga kabayo na kabilang sa Group Race (10) na pangungunahan ng Eyeshot, Courageous, Winning Move at Zophany Dane na simula ng Winner Take All (WTA).
Sa Race 2, simula ng Pick 6 event, pinapaboran ang Polilio Island at Stay Ready at sa Race 3, kung saan umpisa ng Pick 5 event. Susunod ang Race 4 na simula ng Pick 4 at pinapaboran ang Fly Like An Eagle at Kay Tagalog at magkakaharap ang Trust Me at Spunk Attack sa Race 5.
Mahigpit na magkakatunggali ang Real Steel at Play It Safe sa Race 6 at sa Race 7 magkakatunggali ang Sir Joaquin, McArthur Park at Queensboro sa 3-Year-Old Maiden Race.
Tip ni Mang Ding: Race 1- Eyeshot (6) Courageous (8) Race 2- Polilio Island (5) Stay Ready (7) Race 3- Exelero (5) Entry No.3 Race 4- Sabtang Island (1) Fly Like An Eagle (6) Race 5- Trust me (1) Spunk Attack (2) Race 6- Real Steel (7) Play It Safe (6) Race 7- Sir Joaquin (1) Queensboro (2) WTA (1-7) 6-8/5/5/1-6/1/7-6/1-2/ Pick 6- (2-7) 5/5/1-6/1/7-6/1-2/ Pick 5- (3-7) 5/1-6/1/7-6/1-2 Pick 4- (4-7) 1-6/1/7-6/1-2/.





Comments