36 patay sa landslides
NASAWI ang 36 katao habang may 15 iba pang nawawala matapos ang landslides sa southwest China.
Batay sa ulat, Sabado ng gabi, 40 katao na ang nai-rescue mula sa Shuicheng county, Guizhou Province.
Una rito, natabunan ng makapal na putik ang 21 bahay sa naturang lugar noong Martes.
Sa ngayon, ginawang emergency medical at rescue center ang isang local school habang patuloy pa rin ang search and rescue operations ng mga awtoridad.
Samantala, naglaan na ng 30 milyon yuan para sa search and rescue efforts sa probinsiya, gayundin para sa relocation ng mga biktima.





Comments