Piktyur kumalat… GINAWA NINA JENNYLYN AT DENNIS SA BULAG NA SINGER, NABULGAR

Nitz Miralles / BIDA

NAKAKATUWANG makita sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na nakipag-jamming sa mga bulag na singers sa LRT 1 sa Roosevelt Station.
Ipinost ng Light Rail Manila Corporation sa FB account nila ang photo nina Dennis at Jennylyn kasama ang isang blind singer.
Kumikita ang mga blind singers sa LRT mula sa ibinibigay na tulong ng mga commuters. Nagbigay din ng ipon nila sina Dennis at Jennylyn sa bulag na singer at ibinalita ito ng Radyo Inquirer.
Samantala, magiging busy sina Dennis at Jennylyn sa kani-kanilang pelikula. Gagawin ni Dennis sa Star Cinema ang A Family Ghost Story at si Jennylyn, ginagawa ang movie nila nina Coco Martin at Ai Ai delas Alas.
Nagpo-promote rin si Dennis ng pelikulang Mina-Anud na showing na sa darating na August 21 at closing film sa 2019 Cinemalaya na mapapanood sa CCP sa Aug. 10.
Kasama ni Dennis sa Mina-Anud sina Jerald Napoles at Matteo Guidicelli, Dionne Monsanto at Mara Lopez. Based sa true story ang movie ni Kerwin Go to be released by Regal Entertainment.





Comments