PETECIO, IMPRESIBO SA THAILAND, SUSUNTOK NG GOLD SA BIENNIAL MEET

DALAWANG medalya na ang napagwagian ng national amateur boxers sa ginaganap na 2019 Thailand Open International Tournament sa Bangkok, Thailand.
Ibinulsa ni Southeast Asian Games (SEAG) veteran Nesthy Petecio ang gintong medalya sa women’s Featherweight class (-57kgs) nang daigin niya si Nilawan Techaseup ng Thailand A sa iskor na 4-1, samantalang nakuha ni Ian Clark Bautista ang tansong medalya sa men’s bantamweight category (56kgs). Bago malasap ng 27-anyos na tubong Santa Cruz, Davao City ang korona sa featherweight category, nauna na muna niyang tinalo sa semifinal round si Peamwilai Laopeam ng Thailand B via 4-1 iskor, Won Un Gyong ng North Korea, 5-1 sa quarterfinals at Tumurkhuyag Bolortuul ng Mongolia, 5-0 sa round-of-16.
Beterano ng SEAG ang lady boxer kung saan nagwagi na ito ng dalawang pilak na medalya sa 2015 at 2013 edisyon sa Singapore at Myanmar sa parehong category, samantalang pilak din noong 2011 sa Jakarta, Indonesia sa bantamweight naman.
Kinatawan din niya ang bansa sa 2014 Asian Games sa Incheon, South Korea at sa Jeju City sa parehong bansa para sa 2014 AIBA World Championships kung saan nanalo siya ng silver medal.





Comments