Mga transaksiyon sa SSS, mas pinabilis dahil online na
Bulgarific
HELLO, Bulgarians! Dahil sa malawakang pag-unlad ng teknolohiya ngayong henerasyon, sasabay na rin ang Social Security System (SSS) sa lalong pagpapaganda at mabilisang serbisyo nito gamit ang digitalization.
Ibinahagi ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio na maganda ang pagpapalawak ng digitalization sa ahensiya para sa mas mabilis na pag-track sa mga miyembro, pensioner, full transition ng SSS core at business processes. Ito rin ang unang bilin sa kanya ni Social Security Commission ex-Officio Chairperson Carlos G. Dominguez sa mabilisang transition sa digitalization process. Ito rin ang kanyang prayoridad na under sa bagong charter ng pension fund.
Sa ngayon, maaari tayong makakuha ng SSS number, Payment Reference Number (PRN) inquiry and generation, employment report submission, submission of contribution (R-3) at loan collection lists (ML-2), salary loan application, certification of salary loan application kahit ang filing ng maternity at sickness notification ay maaari nang electronic!
Ang electronic at self-service channels ng SSS ay ang My.SSS, SSS Mobile App, Self-Service Express Terminal (SET), Interactive Voice Response System (IVRS) at Text-SSS.
Ilan pa sa maaari nating magawa sa mga channel na ito ay filing ng retirement claim applications, request for branch appointment, inquiry sa location ng SSS branches, feedback submission, inquiry sa SS information, PESO fund enrolment, Flexi-fund enrolment at requesting of records.
Bukod pa rito, nag-umpisa na rin noong 2018 ang Real-Time Posting of Contribution (RTPC) program ng SSS para sa mga contribution payment na na-post agad gamit ang PRN.
Kamakailan lamang ay nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa ang SSS sa Top 5 agencies na kailangang lubos ang pagbabago sa serbisyo base sa number of complaints na natanggap ng Hotline 8888 at Contact Center ng Bayan (CCB).
Sa kabuuang bilang, 6,554 tawag ang naresolba o 99.55% resolution rate. Ang natitirang 55 tawag ay isinasaayos pa o naipagbigay-alam na sa nararapat na sangay o departamento ng ahensiya para maiproseso at patuloy na masubaybayan.
Dahil sa dami ng complaint na naresolba, binigyan ng Plaque of Recognition mula sa Presidential Communications Operations Office’s RTVM ang SSS noong anibersaryo ng Linya ng Pagbabago ng RTVM noong Disyembre 2018.
Kaya naman bukod sa Hotline 8888 at CCB, ang mga SSS member na may katanungan o complaint ay maaari ring tumawag sa 920-6446 to 55 o maaari ring bisitahin ang kanilang social media account, mag-email o bisitahin ang pinakamalapit na branch.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments