Driver tiklo sa ‘hot logs’
NUEVA ECIJA—Isang driver ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan kamakalawa ng mga “hot logs” o mga troso sa Bgy. Pulong Matong, Gen. Tinio.
Nakilala ang suspek na si Marvin Ortega, nakatira sa Bgy. Poblacion sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, aabot sa mahigit P200, 000 ang halaga ng mga troso na walang kaukulang dokumento ang nakumpiska ng mga awtoridad sa trak na minamaneho ng suspek.
Nagsasagawa ngayon ng follow-up operations ang mga awtoridad para madakip ang illegal logger na amo ni Ortega.





Comments