top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bea, suportado vs. Julia, binanatan sa pakikialam… HIRIT NI ANGEL: TAPOS NA AKO SA STAGE NG PAGIGIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 29, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

NAG-REACT si Angel Locsin sa basher hinggil sa pag-unfollow niya kay Julia Barretto. As usual, fans daw ni Julia ang nang-bash sa The General’s Daughter actress.

Sambit ng basher, “ANO ANG GINAWA NI JULIA SA IYO PARA MAKISAWSAW KA SA ISSUE @143redangel? Disappointing!!!”

Sagot ni Angel, “Hindi sa nagmamayabang, pero lampas na kasi ako sa stage ng career ko para sumaw­saw. Ikaw ang disappointing.”

Maging ang mga fans ni Angel ay ipinagtanggol ang Kapamilya actress.

“Unfollow lang naman. That’s all she can do to support a friend. At mukha nga na malinaw sa kanilang friends kung ano’ng nangyari dahil kita naman ang full support nila kay Bea.”

“It’s her own IG account, she decides who to follow. Tama, suporta sa kaibigan na naagrabyado, pero wala naman siyang sinasabi kaya hindi naman nakikisawsaw.”

Unfollow lang ang ginawa ni Angel at hindi raw ‘yun pagsawsaw sa isyu kundi pag-comfort lang sa isang kaibigan.

“Siguro, alam nila ang nature ni Bea na hindi nagsasalita. Napuno lang siya kaya napa-like at gumamit ng quote.”

May nagsasabi namang baka promo lang daw sa up­coming movie nina Julia at Joshua Garcia ang lahat para mapag-usapan muli ang JoshLia ngayong break na sila. Sad to say, hindi tamang gawing promo ang Julia-Gerald isyu kung may taong nasasaktan like Bea.

Tamaaaa!!!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page