Alamin kung paano gagamitin... mga bulaklak, prutas at matatamis na pagkain, epektib para ‘di malasi
- BULGAR

- Jul 29, 2019
- 2 min read
“The Ghost Month o ang Buwan ng mga Multo II”
Ilang araw na lang ay August na, makikitang ang mga balita ay tungkol sa mga sakuna, aksidente sa eroplano, barko at maging sa kalupaan.
Para bang ang hinahanap ng mga tagapagbalita ay ang mga hindi magagandang kaganapan na iniuugnay sa Ghost Month.
Kaya kahit ang paghihiwalay ng mga sikat na artista ay mainit din sa mga mamamayan, gayundin ang pagkamatay ng mga sikat at malalaking tao sa lipunan na maaaring ibintang sa Ghost Month.
Ang tanong, nakakatakot ba ang Ghost Month?
Narito ang ilang epektibong paraan para hindi madamay sa Ghost Month:
Para sa mga may negosyo, maganda kung mag-aalay kayo ng misa sa place of business at ang isusuot ng mga a-attend ay kulay pula.
Iminumungkahi rin na maghanda ng masasarap na pagkain na pagsasaluhan ng mga a-attend sa misa at ang matitirang pagkain ay hindi itatapon kundi hahayaan lang na nasa lalagyan. Itatapon na lang ito kapag panis o sira na.
Sa place of business, suwerte rin ang mga prutas at matatamis na pagkain.
Hinihimok din na maglagay ng mga bulaklak sa office tables.
Maganda kung maglalagay ng mga halaman o indoor plant.
Inirerekomenda na magpalit ng bagong kurtina.
Bawal ang malungkot, kaya dapat payagan ang pagsasaya habang nasa opisina.
Ngayon din ang tamang timing sa pamimigay ng mga promo o free gift sa mga customer.
Ang buy-one, take-one ay maganda ring isagawa.
Buksan ang lahat ng ilaw, mas mainam kung mas maliwanag ang place of business.
Dagdag pa rito, sa gabi, ang mga empleyado ay dapat magdasal, mas maganda kung ang darasalin ay ang Sumasampalataya dahil ito ang opisyal na dasal na epektibong panlaban sa lahat ng klase ng masasamang espiritu.
(Itutuloy)




Comments