Pusher nanlaban, todas sa buy-bust
- Pabs Hernandez III
- Jul 28, 2019
- 1 min read
NUEVA ECIJA — Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation kamakalawa sa Cavite, Guimba.
Ang suspek ay nakilalang si Jeffrey Sangabol, nakatira sa Bgy. Valenzuela, Sta. Rosa.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa buy-bust operation si Sangabol, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya. Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments