Kung ang labs ni James, oo agad… KATHRYN, MAY KONDISYON BAGO PUMAYAG NA MAKASAMA SI NADINE
- BULGAR

- Jul 28, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

MARAMI ang mga fans na humihiling na magsama sa isang project ang dalawa sa pinakamagagaling na aktres ngayon na sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.
Kung napagsama na sa isang proyekto ang kanilang mga ka-love team na sina James Reid at Daniel Padilla, bakit hindi puwedeng magsama ang dalawa?
Sa isang interview, inamin ni Nadine na walang problema sa kanya kung magsasama sila ni Kathryn dahil wala naman daw silang alitan sa totoong buhay.
Pero, may kondisyon naman si Kath (palayaw ni Kathryn) kung pagsasamahin sila ni Nadine sa isang proyekto.
Aniya, “Game ako, basta may magandang materyal, okay sa VIVA Artist, okay sa Star Magic. Kasi may mga proseso ‘yan, hindi naman porke’t gusto natin, puwede na agad.”
“Pero kung ako personally, basta may magandang materyal, yes! Kasi ito ngang kay Alden, nagawan naman natin ng paraan, what more ito na pareho kaming nasa ABS-CBN? Sabi ko nga, ‘Hello to opportunity this year,’ so, yeah, I’m open naman,” pahayag pa ng magaling na aktres.





Comments