top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kalusugan ng pangulo, tagilid…IBINUKING NI IPE: PDU30, 'DI NA NATUTULOG AT NAGPAPAHINGA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 28, 2019
3 min read

NAGBABALIK sa telebisyon ang isa sa mga controversial stars nu’ng dekada ‘80 na si Jobelle Salvador. Kabilang siya sa cast ng bagong teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN na pinag­bibidahan nina Maja Salvador at Janella Salvador, ang The Killer Bride.

Naging malaking isyu sa showbiz noon ang pagkakaugnay ni Jobelle sa hottest action star during that time na si Robin Padilla. At naging laman ng mga babasahin ang pagkakaroon sa kanya ng anak ni Robin.

But later on, nilinaw ni Jobelle na inako lamang ni Binoe ang batang nasa sinapu­punan niya that time.

“Hindi ko nakakausap si Robin since bumalik ako rito,” lahad ni Jobelle nu’ng makausap namin siya sa grand presscon ng The Killer Bride.

Happy naman si Jobelle na close na close ngayon si Robin sa kanyang tito na si Phillip Salvador. And then, kinuha namin ang reaksiyon ni Jobelle sa pinakawalang statement ng kanyang Tito Ipe sa mga anti-Duterte.

“Kung anuman po ang pina­ng­gaga­lingan ni Tito Ipe, the fact that he is very close to the president, you know, hindi ko po siya kinakampihan, wala po akong kina­kampihan, ang sa akin lang, he knows the president more than anybody. Kasi lagi nga po siyang kasama,” pahayag ni Jobelle.

Early this year ay nagkasama raw sila ng kanyang Tito Ipe at nabanggit daw nito sa kanya ang ginagawa ni Presidente Rodrigo Duterte. Hindi na raw natutulog si P-Digong.

“For his age, you know, like everybody around the president is really very worried about the president’s health, kasi nga po hindi na nagpapahinga. Talagang work­aholic. So, maybe, ‘yung hindi nga kasi nakikita natin, siya, nakikita niya. ‘Yung loyalty niya, nandu’n. If they only knew, siguro, nadala na lang siya ng emotion niya out of frustration.”

Personally, masaya naman daw si Jobelle sa nangyayari sa ating bansa. Mas kailangan daw ng leader na disciplinarian dito sa Pilipinas.

“Yeah, I can say I’m a pro-Duterte because I like what he’s doing. Ma­rami nang nadisiplinang tao ever since naging presidente po siya.”

Mistulang reunion naman para sa kanya at mga kamag-anak niyang sina Maja at Janella ang pagsasama-sama nila sa The Killer Bride.

Tulad ni Jobelle na naging tumultuous din ang love life when she was young, matindi rin ang pinagdaanan ng pamangkin niyang si Janella sa nakaraang love life nito.

“Medyo napag-usapan namin ‘yung kanyang rebel years and, ah, she’s just pa­rang happy na napagdaanan na niya ‘yun, you know. And she already knows what she wants. Alam na niya ‘yung priority niya. So, ayun, I’m also happy.”

Naikuwento na rin daw ni Ja­nella ang tungkol sa rumored boy­friend nitong si Markus Paterson.

“Ang sa akin naman po, sabi ko sa kanya, ‘You don’t need to worry kasi nga bata ka pa. You know, marami ka pang makikilala. Ma­rami ka pang pagdaraanan.’

“Had I known nga all those years na hindi naman ako dapat ma-in love agad, ‘di ba? Dahil ang dami ko pang makikilala. Katulad nga­yon, hindi pa ako nag-aasawa,” sabay malakas na tawa ni Jobelle.

Isang beses pa lang daw siyang ikinakasal. Hindi pala sila kasal ng Japanese partner niya at father ng bunso niyang anak. Hindi pa man kami natatapos sa tanong kung payag siyang pakasal sa lalaking mahal niya, itinaas ni Jobelle ang kanyang kaliwang kamay at iti­nakip sa kanyang bibig.

Agaw-pansin ang suot na sing­sing ni Jobelle na may malaking batong diamond sa ibabaw at maliliit na diamonds ang nakapalibot sa suotan ng daliri.

Engaged na siya?

Malakas na tawa ang sagot ni Jobelle sabay pahid ng ilang daliri niya sa tip ng kanyang ilong na tila idini-display ang kanyang engagement ring.

“Ay, huwag na! Nakakahiya,” tanggi ni Jobelle na piktyuran ang kanyang suot na singsing.

“Opo, engaged na po ako,” pag­kumpirma ni Jobelle.

Pinoy ang fiancé ni Jobelle na taga-Pangasinan pero naka-based sa Las Vegas dahil isang businessman.

Divorced na sa dati niyang asawa ‘yung guy and they’re in a relationship for eight months now. Sa Las Vegas daw nag-propose sa kanya ang guy six months ago. Hindi raw niya ipinost sa social media ang proposal ng boyfriend niya gaya ng ibang celebrity.

“Kapag malaking kasalan na, ayan na! Hahaha!”

Maybe next year daw maganap ang wedding nila at kung siya ang masusu­nod, gusto niya rito sa Pilipinas sila ikasal.

‘Yun na.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page