Gerald, pinatutsadahan sa pang-iiwan kay Bea… RESBAK NG KAMPO NI GERALD: PAULO, BINUNTIS LANG SI LJ,

Nitz Miralles / BIDA

HINDI nakatiis ang isang fan ni Gerald Anderson sa tweet ni Paulo Avelino na “Na-Bea Alonzo ka na ba, bes? #ghosting,” na kahit walang binanggit na pangalan, obvious daw na pangse-shade sa aktor.
May kinalaman ito sa isyung kinaharap nina Gerald at Bea na pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon.
Sagot ng may Twitter handle na Gerald Anderson Fans, “At least, hindi nag-iwan ng souvenir tapos iiwan. Hello daw LJ Reyes. #ghosting pala, huh.”
Nadamay din sina Angel Locsin at Loisa Andalio dahil nag-comment sila sa post ni Paulo. Kaya ayun, pati sila, binatikos ng mga fans ni Gerald. Sawsawera raw ang dalawa, eh, wala namang binanggit na pangalan.
Pati si Bayani Agbayani ay damay din dahil nag-comment sa tweet ni Paulo ng “May katapangan kang taglay, Heneral.”
Dagdag na naka-offend sa mga fans ni Gerald ay ang hashtag ni Paulo sa kanyang tweet na #ghosting. Para sa non-millennial readers, ang meaning ng ghosting ay “When they cut you out of their lives and stop responding altogether-like a ghost.”
Matatandaang sa interview kay Bea, nabanggit nitong basta na lang hindi nakipag-usap sa kanya si Gerald, at ang itinawag ng mga millennial sa ginawa ng aktor sa aktres ay ghosting.





Comments