Final answer ni P-Digong: Lotto, babu!
- BULGAR

- Jul 28, 2019
- 1 min read

Sa mga kababayan ko, I have today ordered the closure, the stoppage of all gaming schemes of whatever nature however that got the franchises to do so from PCSO,” ito ang mahigpit na utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tigil ang Lotto, Small Town Lottery (STL), Keno, Peryahan ng Bayan at lahat ng gaming operation o scheme na may lisensiya o prangkisa mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang dahilan… malawakang korupsiyon!
Determinado si Pangulong Duterte na wakasan ang katiwalian sa PCSO na matagal na umanong pinakikinabangan ng iilan. Iginiit din ng pangulo na wala siyang kikilalanin mula sa anumang korte na magpapahinto sa kanyang kautusan.
Sa halip, iimbestigahan umano ang isyu at nagbantang isasapubliko ang pangalan ng mga personalidad na nasa likod aniya ng malawakang katiwalian.
Kasunod nito, lumarga ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para ipatupad ang direktiba. Sinuyod ang mga lotto outlet pati na rin ang operasyon ng STL at Peryahan ng Bayan.
Kaugnay nito, nag-abiso naman ang PCSO sa mga manlalaro na itabi muna ang mga nabiling ticket at maghintay ng anunsiyo mula sa kanila at nagsabing aapela sa pangulo.
Tiniyak naman ng Malacañang na ang mga humihingi ng tulong sa PCSO ay puwedeng lumapit muna sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at sa iba pang ahensiya ng gobyerno.





Comments