‘Ika nga, bawal ang magkasakit... Mga dapat gawin ngayong paiba-iba ang panahon
- Donna Thea Topacio
- Jul 28, 2019
- 1 min read
No Problem

PABAGU-BAGO ang panahon kaya tuloy nagsa-suffer ang ating kalusugan kung saan nagkakaroon tayo ng trangkaso, sipon, ubo at marami pang iba. Pero, higit na mas naaapektuhan dito ang mga indibidwal na mahina ang resistensiya, kaya para maagapan natin ang pagkakaroon ng sakit dahil sa kumplikadong panahon, alamin ang mga dapat gawin para rito:
1. MAGPAHINGA. Ibig sabihin ng magpahinga ay ang matulog nang tama, iwasan ang pagpupuyat dahil mabigat na pakiramdam lang ang naidudulot nito sa atin.
Habang maaga pa, makinig na tayo sa mga dalubhasa na importante talaga ang magkaroon nang 8 oras na tulog kada gabi.
2. KUMAIN NANG TAMA. Piliin din natin ang ating mga kinakain, hindi puwedeng kung ano ‘yung nakahain ay ‘yun na lang, lalo na kung may kakayahan naman tayong makagawa ng paraan para makaiwas sa mga pagkaing hindi inirerekomendang makasanayan.
3. MANATILING HYDRATED. Importante na nakakainom tayo ng tubig, lalo na kapag sobrang init ng panahon dahil ito ang numero-uno nating kasangga para kahit papaano, eh, ma-refresh tayo.
4. SUNDIN ANG PAYO NG MGA EKSPERTO. Kung kumokonsulta tayo sa doktor at may iniresetang gamot sa atin, make sure na susundin ito dahil para rin ito sa ikabubuti ng kalusugan natin. Mainam na maging maagap bago mahuli ang lahat.
5. MAGPAPAWIS. Maraming bagay ang puwedeng gawin para tayo ay pagpawisan, puwedeng tumakbo, maglakad, maglaro ng sports at iba pa.
Kaya tayo na ang bahala kung ano ang trip natin para pagpawisan tayo, tsansa na rin ito para mabawasan ang timbang natin.
Oh, ayan, huwag tayong magsawalambahala kung kinakailangan na talagang gawin.
Tandaan, makinig at kumilos para mapangalagaan ang sarili.
Okiee?





Comments