Magsasaka niratrat ng mga armado
Pabs Hernandez III
Jul 27, 2019
1 min read
NORTH COTABATO—Isang magsasaka ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Pagangan, Aleosan.
Nakilala ang biktima na si Benjamin Sagpil, residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nasa loob ng kanyang bahay si Sagpil nang pumasok ang mga suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments