JONES PINURDOY SI BROWNLEE; FIBA TROPHY, NASA BANSA


NAKA-una sa Game 1 ang TNT KaTropa matapos kalusin ang Barangay Ginebra Gin Kings, 95-92 sa PBA Commissioner’s Cup best of five semifinals kagabi sa Araneta Coliseum. Naging matatag ang KaTropa sa endgame para makuha ang panalo. Mahigpit ang naging labanan sa unang dalawang periods, lamang ng isang puntos ang KaTropa, 51-50 sa halftime. Uminit ang opensa ng Gin Kings sa third canto, naagaw nila ang unahan, 78-70 papasok ng fourth.
Samantala, simula na rin ang best-of-five semifinals series sa pagitan ng San Miguel Beer at Rain or Shine Elasto Painters sa ala-6:30 ng gabi. Parehong dumaan sa butas ng karayom ang Beermen at Elasto Painters sa kanilang mga nakatunggali sa quarterfinals.
Kinailangan ng San Miguel Beer na talunin ng dalawang beses ang No. 2 NorthPort Batang Pier bago sumampa sa final four habang nasagad sa do-or-die Game 3 ang laban ng Rain or Shine sa Blackwater Elite. Buo ang loob ni SMB inport Chris Mccullough na matutulungan niya ang kanyang mga tropa na isampa sila sa championship round. “My mission is to help our guys get to the finals and win the championship,” saad ni McCullough. Bukod kay Mccullough, kakapitan ni Beermen mentor Leo Austria sina locals five-time Most Valuable Player, (MVP) June Mar Fajardo, Arwind Santos at Alex Cabagnot. Sina Rey Nambatac at Javee Mocon ang malaki ang itinutulong sa E-Painters kaya nakapaglaro sila sa semis kaya inaasahang ibabandera sila ni coach Caloy Garcia para tapatan ang mga kamador ng SMB.
Samantala, nandito sa bansa ang tropeo ng FIBA Basketball World Cup na tinatawag ring Naismith Trophy.
Pinakita ang tropeo na tinatawag ring Naismith Trophy kahapon sa isang press conference na ginanap sa Meralco Lopez Building sa Pasig City. (ATD)





Comments