top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Hulyo 27, 2019 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 27, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 27, 2019 (Sabado): Aakalain mong wala kang gaanong suwerte, ito ay dahil hin­di sinasadyang ang suwerte ay pinagagamit mo sa iba.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pinatatatag ka ng iyong ka­palaran. Mas malalaki at mabibigat na suwerte ang inilaan sa iyo kaya kung mahina ka, masasayang at mababa­lewala lang ang mga ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-19-20-25-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malilito ka da­hil ang mga su­werte na para sa iyo ay aakalain mong mga pangit na kagana­pan. Gayunman, sa huli ay sob­rang matutuwa ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-12-17-25-29-35.

GEMINI (May 21- June 20) - Babagal ang ikot ng iyong mundo dahil marami kang iniisip. Bi­lang paalala, kapag gu­ma­gana ang isip, ang ka­t­awan ay halos ayaw ng gu­malaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-20-21-24-25-34.

CANCER (June 21- July 22) - Mahi­mala kang la­lakas. Kung nagka­taong may sakit ka, mada­rama mo na gagaling ka na. Kung akala mo ay ma­las ka, bigla kang su­su­werte­hin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-1-15-19-28-30-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­papalaban ka ngayon! Ang nakagugulat, makakalaban mo ang iyong anino. Ibig sabihin, taglay niya ang iyong kahinaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-14-21-28-30.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikilos mo ang iyong kata­wan. Ito ang sikreto para sa maayos na kalu­sugan. Kapag hindi mo ikinilos ang iyong kata­wan, ito ang dahilan sa pagkakaroon ng karam­daman. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-14-22-27-33-37-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahirap pa­niwalaan, ang utos ng iyong kapalaran na gawin mo ang ayaw mong gawin. Kapag nasunod mo ito ay magugulat ka at sasabi­hin mong dapat noon ka pa sana umasenso nang husto. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-19-22-29-30-40-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Talasan mo ang iyong isip. May gina­gawa ang iyong kapwa na kapag ikaw mismo ang gumawa ay mahihigitan mo kung ano ang mga bi­ya­yang kanilang tinata­masa ngayon. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-16-21-26-34-37-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dumikit ka sa alam mong may mapaki­kinabang ka. Lumayo ka sa alam mong dehado ka. Ito ay base sa kasabihang mahahawa ka sa mga ta­ong nasa iyong paligid. Ma­su­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-25-28-32-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling dumating ang araw kung ka­ilan mapabibilang ka sa mapapalad na nilalang. Ibahagi mo ang iyong mga suwerte sa mga nakaka­tu­­long sa iyo noong ikaw ay nasa kagipitan. Masu­wer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-18-25-26-31-37-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pabalik-balik lang ang hangin na para bang wala siyang talagang nararating. Kung hindi ka mangangarap, matutu­lad ka sa hangin. Ito ang men­sahe ng iyong kapa­laran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-28-37-39-40-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Habang naki­kipaglaban ka, buksan mo ang iyong isipan dahil may ma­gagandang bagay kang makikita sa iyong kalaban na kung iyong isasabuhay, aangat nang husto ang iyong kabuhayan. Masu­wer­­teng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-14-25-31-32.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page