College instrutor tiklo sa shabu
Pabs Hernandez III
Jul 27, 2019
1 min read
LEYTE—Isang college instructor ang dinakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Sta. Fe, Matalom.
Ang suspek ay kinilalang si Kevin Lalik, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang pulisya ng walong sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban si Lalik nang dakpin siya ng pulisya sa nasabing barangay.





Comments