top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

“PAGRERETIRO, SI PACMAN LANG ANG NAKAKAALAM” - ROACH

Gerard Arce
Jul 27, 2019
2 min read

KUNG gaano pa kalakas ang ating Pambansang Kamao nang pitpitin ang unbeaten na si Keith Thurman, ay ganoon din kalakas ang kanyang mensahe sa marami na tuloy ang pakikipagsagupa niya sa welterweight division.

“That guy (Thurman) vowed to retire Manny, and (Pacquiao) refused, indicating that he and only he has the say on when he will retire. Not someone else,” saad ni Freddie Roach sa ipinaskel na istorya sa Boxing Scene website.

Wala namang senyales na mabagal at mahina na ang 40-anyos na si Pacman makaraan ang kontrobersiyal na pagkatalo kay Jeff Horn noong 2017, mas lumakas pa nang talunin sina Lucas Matthysse, Adrien Broner at nitong huli ay si Thurman. “What I can say right now is we don’t know what’s next, who we’re gonna fight next, when and so forth. We just need to sit down a little bit and let him rest a little bit with his family and perform his duties as a senator,” ani Roach.

Subalit, nang tanungin ang Fighting Senator kung ilang mga laban pa ang kaya niya, “mga ilan na lang,” sagot niya sa panayam sa kanya ng local media sa pag-uwi niya sa bansa mula Las Vegas. Dinagdagan ng 8-division world champ ang titulo laban kay “One Time” Thurman (29-1, 22KOs) mula sa isang ‘split decision’ noong Linggo at kumpiyansang sinabi na wala pa siyang planong magretiro sa boxing. “Hindi pa, hindi pa. Masaya pa ako sa ginagawa ko, masaya pa akong lumalaban.”

Naikuwento rin ni Pacquiao (62-7-2, 39KOs) na hindi siya agad nakabalik sa bansa dahil kinakailangang suriin muna ang mata nito na wala namang nakitang komplikasyon. “Hindi ako pinayagang lumipad agad pagkatapos ng fight kasi umabot ng 12 rounds ‘yung fight, eh, baka delikado sa akin sa taas, may pressure, pressurize kasi ‘yung taas, maaaring makasira sa katawan ko,” kuwento nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page