Lalo na sa mga negosyante... dahilan kaya malas ang buwan ng agosto

“The Ghost Month o Buwan ng mga Multo”
Ilang araw na lang ay muli nang sasapit ang Ghost Month. Ito ay magaganap mula sa August 2 hanggang August 29, 2019.
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa bansa natin, ang mga Tsino ay pabalik-balik na rito. Noon pa man, alam na sa buong mundo na ang ating bansa ay mayaman, as in, totoong mayaman.
Nandito ang mga lantay na ginto, purong pilak at ang matitigas na bakal. Kaya ang mga mangangalakal sa ibang bansa ay madalas na rito sa atin kumukuha ng mga produkto. Ang pinakamarami sa mga dayuhang nagnegosyo ng buy-and-sell ay ang mga Tsino. Tinatawag natin ito ngayong buy-and-sell, pero ang totoo, ang tawag dito noon ay barter kung saan hindi aktuwal na pera ang ginagamit na pambili kundi ito ay ang pagpapalitan lamang ng mga produkto.
Halimbawa, kailangan ng mga Tsino ang ginto, tayo na kumakain sa dahon ng saging ay kailangan ang pinggan o plato.
Kaya ang ginto natin ay papalitan nila ng Chinese plates. Ito ang dahilan kung bakit sa bansa natin ang nahuhukay ng mga treasure hunter ay mga porcelain na gawa sa Tsina.
Sa ganyang kalagayan sa palitan ng komersiyo, hindi maiiwasan na ang mga tradisyon ng mga Tsino ay atin ding natutunan at naging bahagi na rin ito ng ating pambansang kultura.
Ang tawag sa Ghost Month ng mga Tsino ay “kawit-palakol.” Ito ang buwan kung saan ang mga negosyo ay hirap na hirap o minamalas.
Kaya kapag dumarating ang Ghost Month, ang lahat ay pinag-iingat dahil maaaring ang kamalasan ay magsidapo sa mga tao.
Ang eksaktong Ghost Month ay tuwing sasapit ang ika-7 buwan sa lunar calendar, kaya ito ay natatapat sa buwan ng Agosto dahil sa lunar calendar na gamit ng mga Tsino ay August ang pampito.
Tayong mga Pinoy dahil mas matalas ang ating isip kaysa sa iba, kaagad nating napansin na ang numerong 7 ay mismong larawan ng palakol kaya ang Agosto ay tinatawag nating buwan kung kailan ay “kawit-palakol.”
Akala ng iba ay pamahiin lang ang kawit-palakol, pero para sa mga tunay na negosyante, alam na alam nila na tuwing Agosto ay magiging matumal ang kanilang negosyo. Pero, ang mga baguhang negosyante, sila ay makikitang sobrang problemado dahil sa banta ng pagkalugi.
Dahil sa nasabing pagiging bagito nila, ang kanilang pagbibintangan ay ang paniniwala ng mga Tsino na ang August ay magdadala ng kamalasan.
(Itutuloy)




Comments