Honda PH, goes to tagaytay city sa kanilang riders convention 2019
- Thea Janica Teh
- Jul 26, 2019
- 2 min read
Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Muli na namang ipinamalas ng Honda Philippines, Inc. (HPI) ang kanilang mga motorsiklo kasama ang mga motorsiklista at riding enthusiast sa Honda Riders Convention 2019-Luzon Leg.
Pinuno ng halos 3,000 Honda riders at enthusiasts ang Tagaytay International Convention Center para ma-experience ang most-awaited rider convention ngayong 2019. Ito lamang ang isa sa activities ng HPI para sa mga loyal Honda rider.
“Ang mga loyal rider ang aming inspirasyon para sa pag-upgrade ng aming design at innovation sa features ng ating motorcycle, kaya naman ito ang paraan namin ng pagbawi sa mga motorsiklista na mabigyan sila ng chance na makapag-enjoy kasama ang HPI,” sabi ni Asst. Vice-President for Sales & Marketing & Supply Chain Management Mr. Jomel Jerezo.
Isa sa mga highlight ng event na ito ang pagpapakita ng automatic motorcycle models at Neo Sports Big Bikes ng Honda kung saan bagay na bagay sa mga professional, serious rider at kahit sa mga estudyante!
Bukod pa rito, nagkaroon din ng Riders Got Talent competition at Miss Honda Riders Con 2019 para maipakita ang talento at skills ng mga motorsiklista. Nagkaroon din ng Club Meet-up, Social Media Photo Contest, YFF Rider Image Contest, Brotherhood Wall, Trade Partners Selling, Relaxation with Pampering Stations, Team Building Sessions, Safety Riding Seminar sa HSDC booth at Farthest & Biggest Delegation.
Good news para sa mga taga-Visayas at Mindanao dahil pupuntahan din kayo ng Honda at magkakaroon din ng Riders Convention. Abangan!
Isa pang good news, dahil sa katatapos lamang na Thailand Talent Cup, nasungkit ni Troy Alberto ang back-to-back win para sa round 3 nito at nakamit ang 2ndplace! Ang dating Honda Pilipinas Dream Cup rider, naabot ang kanyang pangarap at sigurado akong kayo rin! Congratulations!
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments