HOLD ON, RARATSADA ULI?

AALAGWA ngayong gabi ang 7 karera kasabay ng Additional One Win in Group Races na lalahukan ng Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), Malvar, Batangas.
Kasabay nito, inihahandog din ang Carry Over na P105,185.80 sa Super Six na paglalabanan ng Condition Race sa Race 7. Unang magaganap ang WTA sa Race 1 na paglalabang Condition Race (18) at ipinapatok ang Hold On, magsisilbing kalaban ang Del Monte at Makaarem. Sa Race 2, mahigpit na maglalaban ang mga kalahok na Oh Neng, couple entry na Cats Dream at Courageous, Cleave Ridge at Winning Move kasabay ng pagsisimula ng Pick 6. Ipinapatok ang entry ni B.U Tecson, ang Mark of Excellence na magsisilbing kalaban ang Dugong Bughaw at Morning Girl sa pagsisimula ng Pick 5 sa Race 3.
Sa Race 4 na panimula ng Pick 4, nakalalamang ang couple entry na Born Unto Battle at Sabtang Island habang magsisilbing kalaban na mahigpit ang High Ranks at Red Lion. Magsisilbing parating ang couple entry na Prince Jolo at Indecent Proposal, Alupay Star at couple entry na Corte English at Mutya Ng Kalyos sa Race 5.
Balikatan ang labanan sa Race 6 sa pagitan ng couple entry na Boy Paradise at Batang Novaliches at Couple Entry na Rapids Run at Tubig at Langis. Tip ni Mang Ding: Race 1 Hold On (8) Tatak Primero (7) Makaarem (2) Race 2 Winning Move (9) Oh Neng (5) Cleave Ridge (2) Race 3- Mark of Excellence (3) Morning Girl (5) Race 4- Entry No.1 High Ranks (2) Race 5- Entry No.2 Entry No.1 Kid Kenshin (5) Race 6- Entry No.2 Entry No.5 Entry No.1 Race 7- To It’s Si Bing (2) I am the Boss (3) WTA (1-7) 8-2-6/2-5-9/3-8/1-2/1-2/2-5-1/2-3; Pick 6 (2-7) 2-5-9/3-8/1-2/1-2/2-5-1/2-3; Pick 5 (3-7) 3-8/1-2/1-2/2-5-1/2-3 ; Pick 4 (4-7) 1-2/1-2/2-5-1/2-3





Comments