Ex ni Joshua, 'di rin kayang magseryoso… PLAYBOY NA SI GERALD, NAKATAGPO NG KATAPAT KAY JULIA
- BULGAR

- Jul 26, 2019
- 1 min read

AYON sa ilang netizens, wrong timing ang pagkakalantad ng relasyong Julia Barretto at Gerald Anderson dahil may isa pang project na pagtatambalan ang JoshLia (Joshua Garcia-Julia Barretto).
Mawawala na ang kilig ng mga fans sa kanilang tambalan dahil meron na ngang Gerald na umeksena. Unless na ise-shelve na lang ng ABS-CBN ang JoshLia project at tuluyang paghihiwalayin at bubuwagin ang kanilang love team.
Nauna nang ipinareha si Julia kay Gerald at dito nga umusbong ang kanilang relasyon. Si Joshua naman, ipinareha na rin ngayon kay Janella Salvador sa serye ng Dos.
Labis-labis nama__n ang panghihinayang ng Joshlia fans sa nangyari sa love story ng kanilang mga idolo at sinisisi nila si Gerald na sumingit at sumira sa JoshLia tandem.
Ganunpaman, ngayon pa lang, marami na ang nagsasabi na hindi rin naman magtatagal ang relasyong Julia-Gerald. Kahit na nagsabi pa ang aktor sa erpat ni Julia na si Dennis Padilla, walang kasiguraduhan na magiging seryoso ang relasyong Julia-Gerald. Magpapatuloy pa rin ang pagiging playboy at paasa ni Gerald at hindi pa si Julia ang babaeng plano niyang pakasalan.
Ganu’n din naman si Julia na hindi ang tipo ng babaeng ipagpapalit ang career para sa pag-ibig. Magkakasubukan sila ni Gerald kung sino ang unang bibitiw sa relasyon.
Nakatagpo ng katapat si Gerald Anderson kay Julia Barretto!





Comments