top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

BOMBA NG JRU, PASASABUGIN, LPU, KAYA BANG MAG-DETONATE?

A. Servinio
Jul 26, 2019
1 min read

MASUSUBUKAN nang todo ang mainit na Jose Rizal University ngayong araw sa pagpapatuloy ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa FilOil Flying V Centre. Itataya ng Heavy Bombers ang dalawang sunud-sunod na panalo kontra sa Lyceum of the Philippines University simula ng 2 p.m. Pagkatapos matalo sa unang tatlong laban, pinabagsak ng JRU ang Arellano University (80-77) at University of Perpetual Help System-Dalta (71-66). Unti-unting natututunan ng mga manlalaro ang sistema ni Coach Louie Gonzalez na tinalaga ilang buwan lang bago magsimula ang torneo.

Malaking bagay para sa Lyceum ang pagbabalik ng kanilang sentrong si Mike Harry Nzeusseu galing sa nabaling hintuturo. Tiyak na madaragdagan ang armas ng Pirates at sasamahan niya sina Jayvee at Jaycee Marcelino at kapitan Reymar Caduyac upang iangat ang koponan na may 3-1 panalo-talo. Sisikapin ng San Sebastian College na bumangon matapos lasapin ang unang pagkabigo noong Martes sa Lyceum, 69-80, ngunit matinding hamon ang haharapin ng Stags kontra sa walang talong defending champion San Beda University sa pagbukas ng aksiyon sa 12:00 ng tanghali. Galing sa walong araw na pahinga ang Red Lions at gagawin nila ang lahat para panatilihin ang malinis na 3-0 kartada sa tulong nina James Canlas Kwekuteye, Evan Nelle, Calvin Oftana at Donald Tankoua.

Mga laro ngayong Biyernes – FilOil Flying V Centre:

12:00 SSC-R vs. San Beda:

2:00 Lyceum vs. JRU:

4:00 EAC vs. Arellano

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page