top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Anak, lagare raw… IBINULGAR NI MARJORIE: JULIA, GALING KAY GERALD, DIRETSO KAY JOSHUA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 26, 2019
  • 2 min read

DUMEPENSA si Marjorie Barretto, ang nanay ng kontrobersiyal na aktres sa ngayon na si Julia Barretto, hinggil sa akusasyong lihim na nag-check-in sa isang hotel sa Subic ang kanyang anak at ang aktor na si Gerald Anderson.

Naging usap-usapan sa social media ang kumakalat na screenshots sa Facebook page ng isang hotel sa Subic kung saan diumano naganap ang sinasabing pagtse-check-in nina Julia at Gerald.

Bunsod nito, naglabas ng pruweba si Marjorie na “fake news” o hindi totoo ang alegasyong nag-check-in ang kanyang anak at ang aktor.

Kung susuriin ang dalawang screenshots, magkahiwalay ang “thank you” message ng hotel sa dalawang Kapa­milya stars.

Naging tampulan ito ng espekulasyon dahil napansin ng mga netizens na parehong April 13 ang date stamp ng pagbisita nina Julia at Gerald sa hotel.

Taliwas sa malisyosong espekulasyon ng ibang netizens, iginiit ni Marjorie na trabaho ang ipinunta noon nina Julia at Gerald sa Subic, Olongapo City para sa shooting ng peli­kula nilang Between Maybes.

“Let’s stick to the facts. Please swipe,” pangungum­bin­se ni Marjorie sa kanyang Instagram post nitong Miyer­kules nang gabi (July 24).

Sa unang litrato, iginiit ni Marjorie na magkahiwalay ang hotel rooms na ginamit nina Julia at Gerald.

“April 12, 2019: Between Maybes shooting in Subic.

“Location: Sagara Villas

“Each actor provided one room each as standby area with personal assistants, glam team and production staff coming in and out of their respective rooms.”

May screenshot ding ipina­kita si Marjorie na ang nak­a­lagay ay “Subic movie shooting actor and actress Gerald Anderson and Julia Barretto.”

Hindi malinaw kung caption o comment iyon sa Face­book page ng hotel, pero may time stamp itong April 12.

Saad pa ni Marjorie, kinabukasan, April 13, tumawid ang anak niyang si Julia para sa shooting ng isa pa nitong pelikula, ang Block Z. Kasama sa cast ng movie ang ex-bf nitong si Joshua Garcia.

Bilang pruweba, ipinakita ni Marjorie ang still shot kay Julia ng direktor ng Block Z na si Mikhail Red.

Makikita sa Instagram post ni Direk Mikhail na “April 13” ang time stamp nito.

Sa comments’ section ng post ni Marjorie, hindi rin niya pinalampas ang malisyosong comment ng isang netizen.

Sabi ng netizen, nagmamadali na raw si Julia na lumipat sa sariling bahay para magawa nito ang kung anuman ang gusto niya.

Babala pa ng netizen kay Marjorie, dapat ay bantayang maigi si Julia dahil baka sa huli ay iwan lang din ito ni Gerald.

Agad namang nilinaw ni Marjorie na sa tapat lang ng kanyang bahay ang ipinatayong bahay ni Julia.

June 28, 2019 nang kumpirmahin nina Julia at Joshua na hiwalay na sila matapos ang mahigit dalawang taon nilang relasyon.

Nitong July 21 naman, nagpahiwatig si Bea Alonzo na hiwalay na sila ng BF na si Gerald na idinaan nito sa matatalinghagang posts.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page