Kaya kahit may many girls siya, 'di makapalag ang orig… PANGANAY NG SIKAT NA MALE PERSONALITY, A
- Janice DS Navida
- Jul 25, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
SHOCKED kami sa nasagap naming impormasyon mula sa isang kapwa entertainment writer.
Sa kuwentuhan naming mga press tungkol sa mga isyung showbiz, biglang nabanggit ng aming writer friend na ayon daw sa kanyang kumare na family friend ng isang prominenteng pamilya sa showbiz at pulitika, hindi anak ng sikat na male personality ang panganay nila ng kanyang sosyal na misis.
Yes, anak pala sa unang BF ng sosyal na ngayong girl ang nakilalang panganay nila ng sikat na male personality.
Pero dahil super love ng sikat na male personality ang girl, pinakasalan pa rin niya ito at buong-puso niyang tinanggap at inako ang anak nito sa ibang guy.
Kaya naman pala martir din ang girl sa pagiging chickboy ng kanyang mister dahil pareho lang silang hindi perfect.





Comments