GF ng aktor, iniwan daw para sa aktres… ANDREA AT DEREK, HULI NA SA AKTO, TODO-DENY PA
- BULGAR

- Jul 25, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

PAREHONG denial ang dalawang lead stars ng teleseryeng The Better Woman ng GMA-7 na sina Derek Ramsay at Andrea Torres kapag tinatanong kung may namamagitan na nga ba sa kanila.
Pero, hindi naman nila maloloko ang mga netizens dahil base sa kanilang mga kilos ay may pahiwatig na sila’y nagkakaintindihan na.
Tulad na lang nang maispatan silang dalawa sa Shanghai na very happy sa isa’t isa. Komento nga ng netizen sa mga larawang nasa social media, “‘Yan ba ang walang relasyon? Nakikita naman na action speaks louder than words.”
“Pareho pa silang nagsabing ‘Ni Hao.’”
“Sila na nga... Ang bilis mag-move on ng ibang tao...”
“Eh, di totoo palang si Andrea ang third party sa hiwalayan ni Derek sa girlfriend niya!” komento naman ng isa pa.





Comments