Anak na si Julia, ahas daw sa pang-aagaw sa BF ni Bea… GERALD, KINOMPRONTA NI DENNIS SA TELEPONO


AYAW naming kagatin ang sinabi ni Gerald Anderson sa padir ng nali-link sa kanyang si Julia Barretto na si Dennis Padilla na break na sila ni Bea Alonzo kaya nanliligaw na raw siya sa ex-GF ni Joshua Garcia.
Lumabas ang naturang balita sa PEP Alert ng PEP.ph kahapon kung saan tinawagan umano ni Dennis si Gerald para tanungin kung ano ang totoo sa pagkaka-link ngayon ng aktor kay Julia.
Bakit naman magpo-post si Bea ng mga emote niya sa Instagram tulad ng “Enough” at “Cheating is a choice” kung wala na pala sila ni Gerald bago na-involve ang aktor kay Julia?
Bagama’t wala namang tinukoy na pangalan si Bea kung para kanino ang mga cryptic posts niya, siyempre ay naikonek ito ng mga netizens sa lumabas na pictures nina Gerald at Julia na magkasama sa nakaraang birthday ni Rayver Cruz dahil timing nga naman ang post ni Bea.
Kung naging maayos naman pala ang hiwalayan nila ni Gerald, care naman ni Bea kahit pa makitang magkasama o magharutan ang ex-BF niya at si Julia, ‘di ba?
Pero ano ‘to, gustong palabasin ni Gerald na bitter si Bea dahil break na pala sila, tapos todo-patutsada pa ang ex niya sa lumabas na pictures nila ni Julia, ganern?!
Ngayon, bilang ama, natural lang na maalarma si Dennis na naba-bash si Julia at natatawag na “ahas” dahil ito nga ang itinuturong third party sa hiwalayang Bea-Gerald.
Remember, nu’ng sina Julia at Joshua pa, tinawagan din ni Dennis ang young actor nang mabalitaan niyang nagkakaproblema ito at si Julia.
In fairness kay Dennis, kahit may bago na itong pamilya, ‘di naman nawawala ang concern niya sa mga anak.
Kaya ngayong tinawagan na ni Dennis si Gerald, siguro naman ay medyo mangingimi na ang aktor na gawin kay Julia ang diumano’y ginawa niya kina Kim Chiu, Maja Salvador, Sarah Geronimo at Bea Alonzo, ‘no?
Ang siste nga lang ngayon, hirit ng mga netizens, kung totoong ‘inahas’ ni Julia si Gerald kay Bea, ‘di malayong maagaw din sa kanya ng iba si Gerald lalo’t may image ang aktor ng pagiging marupok.
Awww!





Comments