top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Aktres, kaya biglang nag-sorry…ORGANISYON NG MGA DOKTOR, RUMESBAK KAY YENG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 25, 2019
  • 2 min read

DAHIL umano sa pamamahiya ng singer na si Yeng Constantino sa isang doktora ng Dapa Siargao Hospital nu’ng ma-confine ang kanyang asawa ru’n isang linggo na ang nakakalipas, nagka­roon ng kon­tro­bersiya ang naging paha­yag ng singer sa social media laban sa ilang staff ng nasabing hospital.

Dahil na-offend daw ang pinanga­lanang doktora, naglabas ng opisyal na pahayag ang Philippine Medical Association (PMA), ang asosasyon ng mga doktor sa bansa kaugnay ng pamamahiya ng singer sa kanilang miyembro na si Dr. Esterlina Luzares Tan.

Si Dr. Tan ang attending physician nang isugod sa Dapa Siargao Hospital ang mister ni Yeng na si Yan Asuncion pagka­ta­­pos ng cliff diving accident nito sa isang lagoon.

Nagkaroon ng temporary memory loss si Yan dahil sa aksidente.

Sa kanyang magkasunod na Insta­gram posts at vlog noong July 19, tinu­ligsa ni Yeng si Dr. Tan dahil tila wala raw ito sa hulog nang asikasuhin ang naaksi­denteng asawa.

Bahagi ng Instagram post ni Yeng, “Kakulangan ng malasakit at urgency ng Doctora Esterlina Luzares Tan na umak­siyon sa nangyayari.

“Hindi maarok ng utak ko ang pag­kuyakoy niya habang binabasa ang manual ng INFRASCANNER dahil kaka-unbox lamang nila nito habang ang asawa ko ay nakahiga, ‘di makadilat halos dahil sa sakit ng ulo na natamo niya sa aksidente.”

Dagdag pa ng It’s Showtime’s TNT hurado, “After ng mga nangyaring ito, may isang medical staff (ayaw mag­papa­ngalan) na kuma­usap sa best friend ko at ipinasabi sa akin na ma­rami raw tala­gang nama­matay sa Dapa Siargao Hospital because of negligence.”

Dahil sa post ni Yeng, umani siya ng pambaba­tikos mula sa ilang neti­zens matapos ang pama­ma­hiya niya sa doktor. Ma­­li­ban sa pinanga­la­nan ay ipinakita rin niya sa kanyang vlog ang muk­ha ni Dr. Tan.

Last July 22, tila na­himasmasan na si Yeng at napagtantong mali ang kanyang gina­wa.

Binura niya ang kan­yang vlog at Instagram posts kasabay ng paghi­ngi ng dispen­sa kay Dr. Tan at sa mga na­sak­tan ng kanyang mga naging paha­yag.

Tila hindi naman natinag ang PMA kahit nag-apologize na si Yeng kay Dr. Tan.

Ayon sa kanila, kapuri-puri ang pagiging mahinahon ng doktora sa pag-asiste sa asawa ni Yeng. Kahit hindi raw nito agad ginamit ang isang gadget na bago sa kanilang pasilidad, kahanga-hanga raw ang ginawa nitong pag-aralan muna ang nasabing aparato bago gamitin upang suriin ang mister ni Yeng.

Narito ang buong pahayag ng Philippine Medical Association na inilabas ng grupo nu’ng Martes (July 23).

“The Philippine Medical Association stands in full support of Dr. Esterlina Luzares Tan, a Life Member of PMA, against the statement of Ms. Yeng Cons­tantino in the recent incident in Dapa Siargao Hospital.

“Dr. Esterlina Luzares Tan’s calm and composed attitude during the incident is commendable.

“Her extra effort to study how to operate an Infra Scanner, a new modality in her area, to ensure that Ms. Yeng Constantino’s husband does not suffer from any intra cerebral hemorrhage which may be obtained from cliff diving, is also admirable.

“The Philippine Medical Association will not allow its members to be subjected to unnecessary shaming while doing their duties, which is to save lives.”

Pirmado ang statement ni Dr. Jose Santiago, ang presidente ng PMA.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page