WANTED NA RAPIST TIMBOG
Pabs Hernandez III
Jul 24, 2019
1 min read
PAMPANGA—Isang wanted na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Mabalacat.
Ang suspek ay nakilalang si Freddie Gragasin, nakatira sa naturang bayan.
Nabatid na inaresto ng pulisya si Gragasin sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Hindi naman nanlaban si Gragasin nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.





Comments