top of page
Pokwang.jpg

Sa negosyo, love life, sex life etc... IBA‘T IBANG GAMIT NG ASUKAL PARA SUWERTEHIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 24, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Leo Girl ng Leo_Agosto_Dos @facebook.com

Dear Señor,

Totoo ba na ang mga tulad kong ang zodiac sign na Leo ay asukal ang isa sa mga pampasuwerte?

Maraming salamat!

Naghihintay,

Leo Girl

Sa iyo Leo Girl,

Oo, iha, ang mga isinilang sa zodiac sign na Leo ay su­suwertehin sa asukal o ma­tatamis na pagkain.

Kaya kahit na naririnig mo na ba­wal kumain ng sobrang matatamis, huwag mo itong gaanong paking­gan dahil hindi ito maka­bubuti para sa iyo.

Para malaman mo kung ito nga ba ay totoo, bakit hindi mo subukan? Sa loob nang dalawang linggo o ma­-higit ay huwag kang gu­ma­-mit ng asukal at tiyak na ikaw mismo ang mag­­sasabi na ikaw ay minamalas na.

Muli, puwede mong ma­­­­­laman kung totoong suwerte ka sa asukal o hindi.

Alam mo, iha, sa totoo lang, hindi lang ikaw ang puwedeng suwertehin sa asukal, kumbaga, inborn na sa mga Leo ang suwerte sa matatamis, pero ang iba pa ay puwede ring maging ma­suwerte gamit ang asukal o sugar. Paano?

1. Para sa mga nagha­hanap ng love life, bago uma­lis ng bahay ay kumain muna ng kaunting asukal, pero ha­yaan itong kusang matunaw sa bibig. Ito ay puwede sa mga makikipag-date o ha­harap sa crush.

2. Para sa mga gustong suwertehin sa kanilang ne­gosyo, sa tuwing sasapit ang full moon, kailangang mag­saboy kayo ng asukal sa place of business.

3. Para hindi layuan ng mahal sa buhay, bago mag­talik ay kailangang tunawin ang asukal at ipahid sa kata­wan na parang lotion. Gaga­win ito, 3 oras bago kayo magtalik, pero kailangan din itong banlawan at patuyuin.

4. Ipinapayo ring kumain ng tsokolate para mapana­tili ang relasyon.

5. Mas maganda rin para sa mga taong may mga pa­ngarap na haluan ng asukal ang kanin bago kainin. Mas maganda rin kung ang lulu­tuing bigas ay lalagyan ng mga kalahating kutsaritang asukal.

6. Para matupad ang mga panalangin, ipinapayo na ang insenso ay ibabad muna sa tinunaw na asukal, patuyuin at saka sindihan ha­­bang nananalangin.

7. Ganito rin ang gagawin sa panyo na palaging dala-dala, ibabad din sa tinunaw na asukal, ito ay mabisang panggayuma o pang-akit sa mga taong gusto mong ma­palapit sa iyo at mapaki­na­bangan mo.

8. Sa pangkalahatang pampasuwerte, ang paglala­gay ng mga butil ng asukal sa kapirasong tela na tatahiin na gagawing maliit na supot at palaging dadalhin ay kaila­ngan ding gawin. Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page