Malinaw ayon sa palad... MISIS NA NAKATAKDANG MAGING SEAMAN ANG MISTER


KATANUNGAN
Itatanong ko lang kung makapag-a-abroad ba ang mister ko na nag-a-apply ngayon bilang seaman? Matagal na siyang nag-a-apply, pero puro pangako lang ang ginagawa sa kanya kaya medyo naiinip na kami.
Hindi maalis sa isipan ko na baka naloko lang kami ng kumpare niya na tumutulong sa kanya para makasampa sa barko. Kasi kahit paano ay inaabot-abutan namin siya ng pamasahe at pang-ayos ng mga papeles ng mister ko at minsan ay sinasamahan din niya ang mister ko sa pag-a-apply.
Matutuloy pa kaya ang mister ko at kailan siya makasasampa sa barko?
KASAGUTAN
Walang problema, sa sandaling may malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanang palad ng mister mo, tiyak ang magaganap, makapag-a-abroad siya sa takdang panahong inilaan ng kapalaran.
Ang Travel Line na ito (arrow a.) ay malinaw ding nakikita sa kaliwa at kanang palad ng mister mo, malawak at malinaw na Guhit ng Pangingibang-bansa (arrow a.) na nangangahulugang sa malapit na hinaharap, makapag-a-abroad ang iyong mister hanggang sa bandang huli ang pangingibang-bansang ito ay paulit-ulit niyang mararanasan at dahil na rin sa nasabing paulit-ulit na pagbaba at pagsakay sa barko, magdadala ito sa buong pamilya ng masagana at maunlad na kabuhayan.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa datos ng iyong mister, Che, tiyak ang magaganap, hindi matatapos ang taong 2019 sa last quarter ngayong taon, sa unang linggo ng Oktubre, matutupad na rin sa wakas ang malaon na ninyong pangarap na mag-asawa — makapagbabarko na si mister at ang pag-a-abroad na ito tulad ng nasabi na, ang siya na ring magiging daan upang tuluy-tuloy nang umangat at umunlad ang kabuhayan ng inyong pamilya.




Comments