top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

GIN KINGS, SUMAMPA NA SA SEMIFINALS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 24, 2019
1 min read

SWAK sa susunod na phase ang Barangay Ginebra Gin Kings matapos nilang patalsikin ang Magnolia Hotshots, 106-80 sa Game 2 ng best-of-three quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.Kumayod si import Justin Brownlee ng 30 points at siyam na rebounds upang isampa ang Gin Kings sa semifinals.

Tumungga agad ang Gin Kings ng eight-point lead, 47-39 sa unang dalawang periods. Lalong ginanahan ang Ginebra sa third quarter matapos lagukin ang 87-60 abante papasok ng fourth quarter. Dahil sa laki ng lamang ay hindi na nakabangon ang Hotshots at tuluyan na silang naligwak ngayong conference. Samantala, tiyak na bakbakang umaatikabo ang masisilayan sa pagitan ng San Miguel Beer at NorthPort Batang Pier pagharap nila ngayong alas-4:30 ng hapon sa Big Dome.

Nakahirit ng do-or-die game ang Beermen nang talunin nila ang Batang Pier noong Linggo, 98-84. Kahit tinambakan ng San Miguel Beer ang No. 2 seed ay hindi magbabago ang kanilang laro. “Kahit natalo namin sila, ‘yung respeto nandu’n pa rin,” saad ni five-time Most Valuable Player, (MVP) June Mar Fajardo. “Hindi puwedeng balewalain dahil malakas din sila.”

Bukod kay Fajardo, huhugot ng lakas ang Beermen kina import Chris McCullough at local Arwind Santos para makuha ang panalo at tuluyan nang sumampa sa susunod na phase. Sumang-ayon din si SMB head coach Leo Austria sa sinabi ng kanyang bataan na dapat ay huwag bale-walain ang NorthPort. “Hardworking team iyang NorthPort at mag-relax ka lang sandali, malulusutan ka,” ani Austria. “Kaya we have to be on our guard against them.”

Ibabandera naman ng Batang Pier sina reinforcement Prince Ibeh at rookie Robert Bolick. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page