top of page

Bulung-bulungan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 24, 2019
  • 1 min read

Ito’y bago ang mga salitaan

nang maging usapan

bulung-bulungang nagnanakaw ng atensiyon

buhay ng iba’y sinisiraan.

Bulong ng kasamaan, kanilang inihahayag

masamang dila’y nag­wiwika ng kahihiyan.

Inggit na nagtulak sa kabilang bibig,

ika’y hinintay tumalikod at saka bibig ay nagkabig.

Sa mga salitaan at usapang dala,

isip ay ingatang matangay ng kanilang dila.

Damdami’y iwasang magpatisod

‘pagka’t mga ahas ay tiyak na malu­lugod.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page