top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

THURMAN, AMINADONG KULANG SA ENSAYO AT PURO BAKASYON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 23, 2019
  • 1 min read

MATAPOS kapusin sa kanyang pagdepensa ng WBA welterweight title laban kay Manny Pacquiao, aminado si American boxer Keith Thurman na ang matagal na bakasyon at walang gaanong ensayo ang nakasagabal sa kanyang performance.

Pinatatag ni Thurman ang pangalan bilang isa sa top names ng 147-pound class dahil sa malalaking panalo laban kina Robert Guerrero, Shawn Porter, at Danny Garcia, pero ang pagkakaroon niya ng injuries ang nakasagabal sa kanya, dahilan para mapuwersa siyang magbakasyon ng dalawang taon at magpahinga.

Matapos na talunin si Garcia via split decision noong Marso 2017, hindi na siya lumaban muli hanggang Enero 2019, nang talunin niya si Josesito Lopez. “We’ve seen champions’ inactivity not favor them from time to time,” saad ni Thurman sa isang post-fight press conference, matapos na siya ay matalo sa split decision kontra Pacquiao. “But I just thought that I would be able to do some countering, utilize my jab from the outside, and really pressure him in the way that I did,” pagbawi pa niya. “Some of the things that I wanted to do, I was able to do.”

Pero, halos muntik na rin niyang talunin si Pacman dahil nagawa niyang makarekober mula sa pagkakabagsak sa unang round at nakontrol din naman ang middle rounds.

Ilang ulit din siyang nakapagpakawala ng solidong right straight at mabibigat na body shots kay Pacman sa 10th round.

Kaya naman, isa sa tatlong judges ang nagbigay sa kanya ng paborableng iskor, pero ang dalawa ay pawang kay Pacman nagbigay ng magandang scorecard. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page