top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Sa lahat daw ng bumabatikos kay P-Digong… "MAMATAY KAYONG LAHAT!" — IPE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 23, 2019
1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

KASABAY ng State of the Nation Address kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagbigay naman ng pahayag ang action star na si Phillip Salvador para sa mga kritiko ng pangulo.

Sa interview ng action star sa ABS-CBN, aniya, “Ginagawa naman ng pangulo natin ang lahat para sa ikabubuti ng bansa, para sa ikabubuti ng bawat Pilipino, pero binabatikos pa rin siya.”

“Sa inyo pong lahat na bumabatikos, mamatay kayong lahat! Salamat po,” ang matapang na pahayag ng aktor.

Dumating si Phillip sa San­diganbayan kasama si Robin Padilla at ang comedian na si Bayani Agbayani.

“Kami po ang 3 musketeers, huwag naman 3 stooges. Ipinag­lalaban namin siyempre ‘yung tama.

Feeling lang namin ‘yun, ibigay n’yo na sa amin ‘yun,” ani Robin.

Nanawagan din ang action star na magkaisa ang lahat sa huling tatlong taon ni Duterte bilang presidente.

“Walang ibang maganda kundi magkaisa tayo... Sa huling 3 taon, magkasama-sama na po tayo,” sabi pa ni Robin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page