top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

REAL GOLD, NAKABAWI SA BOSS EMONG SA 3RD LEG

Ding Taboy
Jul 23, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

BINAWIAN ng Real Gold ang Boss Emong sa katatapos na 2019 Philracom “3rd Leg Triple Crown Stakes Race” makaraang iwanan ng tatlong kabayo ang mga kalaban sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas noong Linggo ng gabi.

Magandang tagpo ang naganap sa huling yugto ng Triple Crown sa muling

paghaharap ng Real Gold at Boss Emong sa 2,000 meters na karera. Sa pagbukas palang ng starting gate, agad na umalagwa ang Boss Emong habang nakasunod ang My Jopay. Hanggang kunin ni Boss Emong habang paparating ang Real Gold. Kinuha ng Real Gold ang pangunguna sa huling 200 meters at iniwan ang Boss Emong tungo sa tagumpay na laban. Pangatlo ang Shanghai Grey at 4th ang Disyembreasais.

Samantala, itinanghal na kampeon ang The Accountant sa katatapos na Hopeful Stakes Race na nagkamit ng unang premyo, P600,000 habang 2nd placer ang My Sheltext na tumanggap ng P225,000, 3rd placer ang Two Timer na pinagkalooban ng P125,000 at 4th placerang Best Regards na nag-uwi ng P50,000.

Sa kabilang dako, magpapatuloy ang Additional One Win in Group Races at panimula ng Winner Take All sa Race 1, binibigyan ng panalo ang Lady Pio, Tipsy Tapsi, Juachezo’s Run at Love Affair. Sa Race 2 ng Pick 6, balikatan ang laban sa pagitan ng Lady Rimba, Blowby, Leather King at Masskara. Sa Race 3 na umpisa ng Pick 5, pinapaboran ang Believable, Maybe This Time, Pearlescence at Blue Sapphire.

Sa Race 4 kung saan magsisimula ang Pick 4, nakalalamang ang El Mundo habang binibigyan ng panalo ang Blue Plate at River Mist. Magtatagisan ng galing ang Go Tango, Art’s Angel at Daanbantayan sa Race 5, habang sa Race 6, pinagpipilian ang Entry No.3 at Palos. Nakalalamang ang Always On Time habang ang Halo Wander at Abakada sa Race 7. Tip ni Mang Ding: Race 1-Lady Pio (10) Juachezo’s Run (8); Race 2- Lady Rimba (6) Blowby (4) Race 3- Believable (7) Maybe This Time (4) Race 4 El Mundo (1) River Mist (5) Race 5- Art’s Angel (1) Go Tango (2) Race 6- Palos (4) Entry No.3 Race 7- Always On Time (8) Halo Wander (3) WTA (1-7) 10-8/6-4/7-4/1/1-2/3-4/8 Pick 6 (2-7) 6-4/7-4/1/1-2/3-4/8 Pick 5 (3-7) 7-4/1/1-2/3-4/8 Pick 4 (4-7) 1/1-2/3-4/8.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page