Para 'di langawin ang movie nila ng ex-GF… JOSHUA, BINUSALAN SA KUMALAT NA PIKTYUR NINA JULIA AT

Beth Gelena / BULGARY FILES

ANG young actor na si Joshua Garcia ay nagkomento rin sa picture ng ex-GF niyang si Julia Barretto at ni Gerald Anderson.
“I’m mute,” komento ni Joshua na agad din niyang dinelete.
Nagkaroon tuloy ng iba’t ibang espekulasyon ang mga netizens kung bakit inalis agad ng young actor ang dalawang words na ipinaskil niya sa socmed.
May isang netizen ang nagkomento na maaaring ipinahiwatig ni Joshua sa post na hindi siya pinahihintulutang magsalita sa mga bagay dahil may pelikula sila ni Julia na malapit nang ipalabas.
“I think he means his hands are tied. Baka bukas, may pa-press release na naman ‘tong ABS-CBN about them being best friends para lang they can promote their movie, lol.”
May nagkomento rin ng “RIP, JoshLia.”
Sina Julia at Gerald ay napabalitang nagkaroon ng sikretong relasyon nang magsama sila sa pelikulang Between Maybes ngunit pareho naman nilang itinanggi ito.
May nagsasabi naman na malamang ay totoo raw ang namamagitan kina Julia at Gerald dahil matagal nang naipalabas ang Between Maybes, pero ang tungkol sa kanila ay hindi pa mamatay-matay.





Comments